Ilang irigasyon sa Abra natutuyo na dahil sa El Niño

Screen Shot 2016-04-21 at 1.42.44 PM
Natutuyung irigasyon sa lalawigan ng Abra dahil sa matinding init at epekto ng nararanasang El Niño sa buong bansa.

BANGUED, Abra — Ramdam na ramdam pa rin ng mga magsasaka sa Bangued, Abra ang epekto ng El Niño.

Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), nanunuyo na ang irigasyon na ginagamit na patubig ng mga sakahan sa probinsya. Hindi na rin anila sapat ang tubig na dumadaloy sa Abra Communal Irrigation System.

Ang  Abra Communal Irrigation System ang nagkakaloob ng patubig sa mga sakahan sa tatlong munisipalidad sa Abra kabilang ang Tayum, Pidigan at Bangued. Galing naman ang tubig sa Abra river.

Kaugnay nito, hindi na rin nakakapagtanim ng gulay ang mga magsasaka sa ilang barangay.

Nagkaloob na rin ang NIA ng tulong gaya ng pagbibigay ng water pumps para sa karagdagang tubig ng mga magsasaka.

(Eagle News Service, Jandi Amoroso)