Ilang kalsada at tulay sa Mindanao na napinsala ng bagyong “Vinta,” hindi pa rin madaanan

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi pa rin madaanan ang anim na road section at anim na mga tulay sa Regions 9, 10 at Caraga dahil sa epekto ng bagyong Vinta.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sa Region 9 ay sarado pa rin ang Salug Dacu Bridge sa Mahayag-Dumingag-Siayam-Sindangan Roxas sa Zamboanga Del Sur dahil sa nasirang tulay.

Sa Region 10, partikular na sa Gingoog City, hindi naman madaanan ang spillway sa Barangay Malibud hanggang Barangay Kamanikan.

Habang sa Lanao Del Norte, totally damaged din ang Pagayawan-Dimarao Bridge, Babalayan Town site Hanging Bridge at Esperanza-Babalaya Hanging Bridge.

Nasira naman dahil sa flash flood ang Dalama Bridge sa Bacolod-Madalum Highway; at ang Daligdigan Bridge Sa Salvador-Sapad-Nunungan Road.

https://youtu.be/SOivmr0IjcM