(Eagle News) — Magpapatupad ng road closure bukas, Hunyo 12, sa ilang lansangan sa Maynila para bigyang-daan ang mga aktibidad sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.
Sa abiso ng Manila District Traffic Enforcement Unit, isasara ang sumusunod na lansangan mula alas 6:00 ng umaga para sa gagawing flag raising at wreath-laying ceremonies:
- Northbound at Southbound Lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw Avenue
- Kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road at South Drive
Ayon sa MDTEU, ang mga motoristang apektado sa pagsasara ng mga lansangan ay maaaring gamitin ang sumusunod na ruta:
- Ang mga truck at trailer truck na patungong South, kaliwa sa P. Burgos at kanan sa Finance Road
- Para sa mga light vehicles na patungong South, kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa, at kanan sa TM Kalaw
- Para sa mga light vehicles na pa-northbound, kanan sa TM kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa, kaliwa sa P. Burgos
- Ang mga truck at trailer truck na pa-northbound kanan sa president Quirino Avenue
Samantala, mula alas 9:00 ng umaga sarado naman ang sumusunod na kalsada para sa military-civic parade:
- Southbound lane ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive
- Kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road at South Drive
Ang mga maaapektuhang motorista ay maaaring gamitin ang sumusunod na ruta:
- Para sa mga light vehicles na pa-southbound, gamitin ang Anda Circle at kumanan sa Soriano Ave.
- Ang mga truck na pa-southbound ay gamitin ang Anda Circle at lumabas sa Bonifacio Drive
- Para sa mga sasakyang pa-northbound diretso ng Bonifacio Drive, at kumanan sa Tm Kalaw Avenue.
Payo ng MDTEU, kung wala namang importanteng lakad sa lugar ay iwasan muna ang nasabing mga lansangan bukas.