Ilang lansangan sa Maynila isasara bukas sa paggunita ng Araw ng Kalayaan

(Eagle News) — Magpapatupad ng road closure bukas, Hunyo 12, sa ilang lansangan sa Maynila para bigyang-daan ang mga aktibidad sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Sa abiso ng Manila District Traffic Enforcement Unit, isasara ang sumusunod na lansangan mula alas 6:00 ng umaga para sa gagawing flag raising at wreath-laying ceremonies:

  • Northbound at Southbound Lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw Avenue
  • Kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road at South Drive

Ayon sa MDTEU, ang mga motoristang apektado sa pagsasara ng mga lansangan ay maaaring gamitin ang sumusunod na ruta:

  • Ang mga truck at trailer truck na patungong South, kaliwa sa P. Burgos at kanan sa Finance Road
  • Para sa mga light vehicles na patungong South, kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa, at kanan sa TM Kalaw
  • Para sa mga light vehicles na pa-northbound, kanan sa TM kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa, kaliwa sa P. Burgos
  • Ang mga truck at trailer truck na pa-northbound kanan sa president Quirino Avenue

Samantala, mula alas 9:00 ng umaga sarado naman ang sumusunod na kalsada para sa military-civic parade:

  • Southbound lane ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive
  • Kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road at South Drive

Ang mga maaapektuhang motorista ay maaaring gamitin ang sumusunod na ruta:

  • Para sa mga light vehicles na pa-southbound, gamitin ang Anda Circle at kumanan sa Soriano Ave.
  • Ang mga truck na pa-southbound ay gamitin ang Anda Circle at lumabas sa Bonifacio Drive
  • Para sa mga sasakyang pa-northbound diretso ng Bonifacio Drive, at kumanan sa Tm Kalaw Avenue.

Payo ng MDTEU, kung wala namang importanteng lakad sa lugar ay iwasan muna ang nasabing mga lansangan bukas.

Related Post

This website uses cookies.