Siyam na oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Cagayan at Apayao sa Huwebes, Enero 14.
Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines, ang power interruption ay magsisimula ng alas ocho ng umaga at tatagal hanggang alas singko ng hapon.
Ito ay para sa annual preventive maintenance at testing ng ilang kagamitan sa Magapit Substation.