SIYAM na oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Laguna at Quezon sa Sabado Pebrero a sais.
Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (ngcp), ang power interruption ay magsisimula ng alas ocho ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Kasama sa apektado ay ang mga sineserbisyuhan ng FLECO at QUEZELCO II. Ito ay para sa gagawing preventive maintenance at testing ng power equipment.
(Agila Probinsya)