Ilang lugar sa MIMAROPA, Bicol at Visayas walang kuryente dahil sa bagyong “Nona”

Dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Nona patungong kanlurang bahagi ng bansa, pinutol na ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng MIMAROPA, Bicol at Visayas Region.

Ang buong probinsya ng Romblon ay nakaranas ng total blackout matapos putulin ng power companies ang suplay ng kuryente dahil sa lakas ng hangin.

Mula naman alas-onse kagabi ay wala naring kuryente sa mga isla ng Tablas at Sibuyan.

Ayon sa Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) at Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) ibabalik ang suplay ng kuryente sa oras na bumuti na ang panahon.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) wala naring kuryente sa Eastern at Northern Samar at Sorsogon matapos na magkaproblema ang koneksyon ng transmission lines.

Related Post

This website uses cookies.