(Eagle News) — Tinutukan din ng iba pang media entities sa bansa ang isinagawang Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia Ni Cristo.
Mula sa mga TV and radio news network at mga pahayagan ay kanilang ibinalita ang nasabing charity walk.
Naka-upload din sa social media sites gaya ng Facebook, Twitter at iba pa ang kanilang mga kuhang litrato at videos na makikita ang napakaraming tao na lumahok sa Worldwide Walk to Fight Poverty.
Guinness world record attempts ng INC, inantabayanan din
Inantabayanan din nila ang Guinness World Record Attempts na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand.
Hanggang sa awarding ng tatlong bagong Guinness World Records na nasungkit ng INC.
Ikalawang charity walk ng Iglesia Ni Cristo, inilathala ng mga pahayagan
Inilathala rin at naging front page pa sa mga pahayagan ang isinagawang Worldwide Walk to Fight Poverty.
Maging ang mga TV network sa ibang bansa ay kinover din ang isinagawang Worldwide Walk To Fight Poverty.
Official hashtag ukol sa charity walk, nag-trending sa Twitter
Samantala, nag-trending din sa twitter ang official hashtag na #INCwalktofightpoverty .
Hindi nagpahuli ang mga netizen na lumahok sa Worldwide Walk to Fight Poverty ng INC na i-post ang kanilang mga larawan gamit ang nasabing hashtag.
Sa isang post ng twitter user na si Amber, sinabi niyang bagama’t hindi siya miyembro ng INC ay masayang-masaya siya na nakabahagi sa Worldwide Walk to Fight Poverty at nasaksihan ang kaisahan ng INC. Ilan pa sa mga hindi kaanib na nakilahok sa aktibidad ang nagpahayag din ng kanilang pagkatuwa sa social media.
Siyempre hindi rin pahuhuli ang mga selfie at groupie post ng mga lumahok sa worldwide walk to fight poverty mula sa starting line hanggang sa finish line.