Ilang mga unibersidad at paaralan, nagsuspinde ng klase dahil sa water cut-off sa Maynila

(Eagle News) — Ilang eskwelahan at unibersidad sa lunsod ng Maynila ang nagsuspinde ng klase dahil sa malawakang water interruption ng Maynilad Water Services.

Labing apat (14) na elementary at high school sa district 2 hanggang district 5 ng Maynila ang walang pasok.

Sa district 2, ang mga walang pasok mula ngayong araw hanggang bukas (Agosto 12) ay ang Torres High School,  Lakandula High School, M.L.  Quezon High School,  F. Calderon High School, at F. Calderon Elementary School.

Sa district 3, naman ang nagdeklara ng walang pasok ay ang T. Alonzo High School,  C. Arellano High School at Raja Soliman High School.

Sa district 5 ay ang Manila Science High School, Manila High School, Araullo High School, Justo Lucban Elementary School, A. Quezon Elementary School at E. Delos Santos Elementary School ang walang pasok.

Muling suspendido ang klase sa mga naturang iskwelahan sa Agosto 17 hanggang 18 bunsod ng ikalawang bugso ng water interruption.

Ilan ding unibersidad sa Maynila ang suspendido ang klase dahil sa  water cut off.

Ngayong araw na ito (Martes, Agosto 11) ay walang klase sa Adamson University;  De La Salle University; Emilio Aguinaldo College; Lyceum of the Philippines  ; Mapua Institue of Technology ; Philippine Women’s University at Santa Isabel College.

Mamamalagi namang suspendido ang klase  hanggang Agosto 12 sa Philippine Normal University at  Technological University of the Philippines.  (Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.