DAGUPAN, Pangasinan (Eagle News Service) – Ilang natalong kandidato sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataang (SK) election sa Pangasinan ang nagsampa ng protest for recount sa korte.
Ayon sa Comelec-Pangasinan, kabilang sa mga magsampa ng protest for recount ay ang natalong kandidato sa pagkapunong barangay sa Carmen West sa Rosales at Sabangan sa Lingayen.
Ayon kay Mila Dalutag, acting election officer sa bayan ng Rosales, nag-file ng protesta sa Municipal Trial Court sa nasabing bayan ang natalong kandidato na si Joselito Cariño para sa recount ng boto nito at ng kaniyang nakatunggali na nakalamang ng 43 na boto.
Ang korte na ang magdedesisyon kung kailangan isasagawa ang recount at ang MTC na rin ang bahala sa pagbibilang.
Maliban sa ilang protesta for recount ay mayroong ding mga kandidato ang pinadidiskwalipika ng Commission on Elections dahil nadiskubre ang ibang mga SK candidate na overaged na. Ang iba naman ay tinamaan sa second degree affiliation, at ang ilan ay nadiskubre namang hindi pala rehistradong botante. Nora Dominguez