MANILA, Philippines (Eagle News) — Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald Dela Rosa na may isang grupo ng mga police official ang nagbabalak patalsikin siya sa puwesto.
Ayon kay Dela Rosa, maliit na grupo ito na galit sa kaniyang pamamalakad lalo na sa kampanya laban sa iligal na droga.
Tumanggi naman si General Dela Rosa na pangalanan ang mga miyembro ng nasabing grupo.
Paliwanag ni Dela Rosa, posibleng mangyari sa kaniya ang nangyari noon kay dating PNP Chief Alan Purisima na maraming nagalit na mga opisyal kaya ginawan nila ng paraan para mapatalsik ito sa serbisyo.