(Eagle News) – Mahigit sa 20,000 na residente ng Eastern Visayas ang hindi pa nakababalik sa kanilang mga tahanan matapos tumama ang 6.5-magnitude na lindol sa lugar noong Hulyo 6.
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development, nasa 23 mga barangay sa Eastern Visayas ang matinding napinsala ng nasabing lindol.
Ayon sa ahensya, 12,000 sa mga residente ng Eastern Visayas ang nananatili pa rin sa 19 na mga evacuation centers.
Mahigit 9,000 naman ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak o kaibigan.