Ilang residente sa Ilocos Sur pansamantalang lumikas muna sa mga evacuation center dahil sa patuloy na pag-ulan

ILOCOS Sur (Eagle News) – Dahil sa epekto ng Habagat maghapon at magdamag na nakaranas ng mga pag-ulan sa buong probinsya ng Ilocos Sur nagdulot ito ng pagtaas ng tubig sa ilang mga barangay at pagkasira ng sea wall sa Barangay San Pedro sa Bayan ng Narvacan.

Bagamat naglagay ang mga residente ng mga sand bag para protektahan ang kanilang mga bahay tinangay lamang ito ng malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan. Inabisuan na rin ang mga residente na pansamantalang lumikas muna sa mga evacuation center dahil hanggang sa kasalukuyan ay nakakaranas pa ng pag-ulan sa buong probinsya.

Samantala, sa Candon city ay binaha rin ang ilang barangay na nasa mababang lugar halos lagpas tuhod ang taas ng tubig. Nagsagawa naman ang clearing operasyon ang PNP Candon sa Bridge para alisin ang mga nakaharang ng mga kahoy at mga damo upang mabilis na humupa ang baha.

Courtesy: Marynalyn Manuel – Ilocos Sur Correspondent

photo_2016-08-16_10-27-24

photo_2016-08-16_10-15-54

photo_2016-08-16_10-15-50

photo_2016-08-16_10-15-40