Ilang road safety policies, pinaaamyendahan sa Senado

Ilan sa mga namatay nang bumulusok sa malalim na bangin ang LeoMarick Trans na bus sa Barangay Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija, noong ika-18 ng Abril. (Eagle News Service)

Ni Meanne Corvera
Eagle News Service

Pinaaamyendahan sa Senado ang ilan sa mga umiiral na road safety policies at regulations matapos ang nangyaring aksidente sa Carranglan, Nueva Ecija na ikinamatay ng mahigit 30 katao.

Ayon kay Pacquiao, na siyang naghain ng Senate Resolution 346, kailangan nang amyendahan ang ilan sa mga umiiral na batas dahil hindi na aniya naproprotektahan ang milyon milyong pasahero at mga pedestrian ng mga ito.

 

Nakakabahala aniya ang sunod-sunod na aksidente na nangyayari sa mga lansangan kung saan ilan ay dulot ng kawalan ng road signs at palpak umano na mga imprastraktura.

“We have witnessed these past few months a surge in the number of road
accidents, the recent of which involved a bus in Nueva Ecija that
claimed the lives of more than 30 people,” aniya.

Papunta sana sa Candon, Ilocos Sur ang LeoMarick Trans na bus noong ika-18 ng Abril nang pumutok ang kanang gulong sa unahan nito.

Nawalan ng kontrol ang drayber, hanggang sa bumulusok ang bus sa malalim na bangin.

“There is an urgent need to implement an aggressive and proactive (approach), (place proper) road safety signs and infrastructure, especially (on) roads that are
considered risky due to (their) topography and location,” dagdag pa ni Pacquiao.

Related Post

This website uses cookies.