Ilang senador, pinapurihan ang ginawang pagbibitiw ni Davao City Vice Mayor Duterte

(Eagle News) — Pinuri ng ilang senador ang ginawang pagbibitiw ni Davao City Vice Mayor Paolo  Duterte.

Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto, karespe-respeto ang ginawa ng bise alkalde at pagpapakita na hindi siya kapit tuko sa pwesto.

Dagdag pa ni Sotto, naniniwala din ang batang Duterte sa salitang “delicadeza.”

Gayundin ang paniniwala ni Senador JV Ejercito.

Aniya, katapangan ang ginawa ng vice mayor sa pagbibitiw.

Ito aniya ay upang hindi na niya maidamay pa si Pangulong Rodrigo Duterte, ang kaniyang ama, sa mga isyung kinakaharap nito.

Ayon sa nakababatang Duterte, nagbitiw siya sa pwesto dahil sa kaniyang mga personal na suliranin, gaya nalang ng kaniyang sabwatan sa kaniyang anak na si Isabelle.

Binanggit din niya ang pagkakadawit sa kaniyang pangalan sa korupsyon sa Bureau of Customs.