Illegal fish pen sa Laguna lake sinimulan nang baklasin

LAGUNA (Eagle News) – Sinimulan na ang pagbabaklas ng mga illegal fish pen sa Laguna Lake noong Huwebes ng umaga, January 26. Una nang sinimulan ang paggiba ng mga baklad sa Binangonan, Rizal. Ito ay isinagawa ng Philippine Army, NBI, Coast Guard, PNP at Laguna Lake Development Authority sa pangunguna ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang sapilitang pag-aalis ng mga illegal fish pen sa lawa ay alinsunod sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang 90-hectare ng Laguna de Bay at gawin itong isang eco-tourism site upang makatulong sa kabuhayan ng mga mamamayan sa paligid ng naturang lawa.

Nasa 20 motorized boats at 200 armadong tauhan ng iba’t ibang sangay ang nagsasagawa ng malawakan operation na tatagal hanggang Hunyo.

Willson Palima _ EBC Correspondent, Laguna

This website uses cookies.