Ilocos Norte Gov. Imee apologizes, seeks understanding for “surprise” burial of her father

This handout photo taken on November 18, 2016 and released by the office of Governor Imee Marcos shows former first lady Imelda Marcos (in black) mourning with son Bongbong Marocs (L) and daughter Governor Imee Marcos during the burial of the late President Ferdinand Marcos at the heroes’ cemetery in Manila. / AFP PHOTO / Office of Governor Imee Marcos / HO

 

(Eagle News) — Ilocos Norte Governor Imee Marcos appealed for the public’s understanding and apologized for the Marcos family’s decision to bury her father, the late President Ferdinand Marcos, at the Libingan ng mga Bayani, in strictly private ceremonies that had not been previously announced.

Ako po’y humihingi ng dispensa at pang-unawa sa naging pasya ng aking pamilya na gawing payak, pribado at taimtim ang paglibing sa aking ama upang hindi na masaling ang mga nagdaramdam,” Imee said as she read a prepared statement at the Villamor Air Base shortly after the burial of her father Friday noon (November 18).

Gov. Marcos also thanked President Duterte for initially ordering the burial of her father at the Libingan ng mga Bayani despite contrary opinion by known Marcos critics. She also thanked the Supreme Court, particularly the nine justices who voted to allow the burial of her father on November 8.

She said she was simply thankful that her father was finally buried at the National Heroes’ Cemetery, which was his final wish.

The following is the full statement as read by Ilocos Norte Governor Imee Marcos:

Sa wakas napatupad sa araw na ito ang huling habilin ng aking minamahal na ama, ang dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos na maihimlay kasama ng kanyang mga kapwa sundalo.”

“Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat na nagpatotoo sa karapatan ng aking ama na mapanatag sa Libingan ng mga Bayani.

Una sa lahat, kay Pangulong Duterte na nagmungkahi nito, sa Korte Suprema na kinatigan ang pasyang ito at sa libo libong nagmamahal at nagmamalasakit sa aming pamilya.

Kasama namin kayong nangarap at nanalangin sa halos tatlong dekada na makita ang araw na ito. Kaya naman ako po’y humihingi ng dispensa at pangunawa sa naging pasya ng aking pamilya na gawing payak, pribado at taimtim ang paglibing sa aking ama upang hindi na masaling ang mga nagdaramdam.

Dama namin ang inyong matinding hangaring maihatid ang aking ama sa kanyang huling himlayan.

Hindi man namin kayo kasama ngayon, hinding hindi namin malilimutan ang inyong malasakit at sakripisyo na nagpatupad sa makasaysayang pagtitipong ito.

Walang hanggang pasasalamat. Mabuhay ang Pilipinas.’

Related Post

This website uses cookies.