Ilocos Norte naghahanda na rin sa pagdating ng Bagyong Lawin

ILOCOS NORTE (Eagle News) – Nasa Signal Number 2 ang lalawigan ng Ilocos Norte sa kasalukuyan. Martes ng gabi, October 18 ay inanunsyo na ng Pamahalaan ng Lalawigan na suspendehin na ang klase ng lahat ng antas simula Miyerkules, October 19 upang mapaghandaan ang paparating na Bagyong Lawin.

Sa kasalukayan ay makulimlim na ang kalangitan. Ang mga residente naman ay naghahanda na para sa darating na sakuna. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mas lalo pang lumalakas ang Bagyong Lawin.

Sa Southern Cagayan at Isabela ay itinaas na ng PAGASA sa signal number 5.

Patuloy pa rin ang pagpapaanunsyo na mag-ingat, maniguro at maghanda sa darating na bagyo na mararanasan ng lalawigan.

Clarissa Serrano – EBC Correspondent, Ilocos Norte