Ilocos Sur, nananawagan ng karagdagang relief goods para sa kanilang mga evacuee

VIGAN CITY, Ilocos Sur (Eagle News) – Tinatayang aabot sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Ilocos Sur sanhi ng nagdaang bagyong Ompong.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Ilocos Sur Officer Michael Chan, pagdating naman sa imprastraktura ay tinatayang aabot naman sa 70 milyong piso ang napinsala ng bagyo.

“Sana makita rin po yong Ilocos Sur, although ang mga Ilocanos po ay mabilis mag-recover pero po nangangailangan din po sila ng tulong o pansin man lamang para makita naman anong nangyari sa aming probinsiya”, pahayag ni Chan

Sa lawak na pinsala ng bagyo, hindi na inalis ng Provincial Government ang dati nang nakataas na state of calamity sa kanilang probinsiya dahil naman sa pananalasa noon ng habagat.

Bukod sa mga pananim at imprastraktura, marami ring mga kalsada at bubungan ng bahay ang nasira.

Bagamat may stock pa aniya sila ng mga bigas at iba pang pangangailangan ng mga evacuee, nanawagan na rin si Chan ng karagdagan pang tulong mula sa pamahalaan. (Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.