(Eagle News) — Hindi parin zika virus free ang Iloilo City. Ayon kay Department of Health Region 6 Regional Epidemiologist Dr. Glen Alonsabe, nitong Disyembre ng nakaraang taon, idedeklara na sana bilang zika-free ang lungsod pero may dalawang kaso ulit ng Zika ang naitala rito.
Paliwanag ni Alonsabe, maaaring ideklarang Zika-free ang isang lugar kung walang kasong maitatala rito sa loob ng apat na pung magkakasunod na araw.
Ang dalawang bagong kaso aniya ay mula sa La Paz at Jaro at pawang naka-recover na rin ang mga ito.