Nasa 98 na gun ban violators ang naitala sa Iloilo City.
Ayon sa Police Regional Office (PRO-6), nanguna sa may pinakamaraming gun violators sa rehiyon ang naturang lunsod na sinundan naman ng Aklan, Antique, Capiz at Guimaras.
Ayon din sa mga otoridad, kabilang sa mga nakumpiska sa kasagsagan ng gun ban ang nasa 283 firearms, 126 bladed weapons, 41 explosives at dalawang gun replicas.
Matatandaang nagsimulang ipatupad ang gun ban noong Enero 10 kaugnay ng katatapos lamang na eleksyon.