MANILA, Philippines (Eagle News) — Iminungkahi ni Senadora Grace Poe na magsagawa ng pagdinig sa mabagal na internet sa bansa.
Kasunod ito ng inilabas na report ng open signal na kanilang isinagawa noong last quarter ng 2017, kung kailan, nasa ika-85 pwesto ang bansa sa bilis ng 4-G LTE.
Sa inihaing resolusyon ni Senador Poe, nais niyang matalakay kung bakit nahuhuli ang bansa pagdating sa bilis ng internet connection sa buong Southeast Asian Region.
Nakatakda ring talakayin ng Senate Committee on Public Services ang pagpapatupad ng umiiral na batas at regulations sa mga telecommunications company.
https://youtu.be/4h0L6CtRdRo