MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinimulan na ng Bureau of Fire Protection (BFP)-7 ang imbestigasyon sa Metro Ayala Department Store na nasunog ng mahigit 80 oras.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ni Fire S/Supt. Samuel Tadeo, Regional Director ng BFP-7, na fire-out na ang naturang sunog.
Sa kabila nito, may naka-standby pa rin na fire truck sa lugar sakaling muling sumiklab ang apoy.
Pinasalamatan naman ni Tadeo ang lahat ng mga tauhan ng BFP at mga volunteer group na hindi ininda ang pagod sa loob ng tatlong araw habang walang tigil na pinapatay ang sunog.