(Eagle News) — Natapos na ng National Police Commission (Napolcom) ang imbestigasyon sa dalawang heneral na kasama sa limang Narco generals na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Napolcom Vice Chairman, Rogelio Casurao, naisumite na nila ang kanilang findings sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero tumanggi muna si Casurao na ihayag ang naging resulta ng kanilang imbestigasyon.
Kabilang sa mga Narco-generals na pinangalanan ng Pangulo sina Ret. PDDG Marcelo Garbo, PDir. Joel Pagdilao, PCSupt. Edgardo Tinio, CSupt. Bernardo Diaz at Ret. CSupt. Vicente Loot.