Immigration officials, kinuwestyon sa paglabas sa bansa ni Sombero

By Meanne Corvera

(Eagle News) — Ipinag-utos na ni Senador Richard Gordon ang pagpapa contempt at pagpapaaresto kay Wally Sombero matapos muling isnabin ang pagdinig ng Senado. Napikon ang mga senador dahil tila pinaiikot lamang sila ni Sombero.

Nagpaliwanag naman ang abogado nito na si Attorney Ted Contacto sa hindi naging pag sipot ni Sombero sa hearing.

Ayon kay Contacto, hindi aniya binigyan ng clearance si Sombero ng mga doctor nito dahil hirap sa paghinga at pagtaas ng presyon.

Ang naging paliwanag ng abogado ni Sombero ay hindi pinaniwalaan ng Senador. Aniya, nadiskubre ng Senado na Enero 17 pa ito nakaalis ng Singapore kung saan una siyang nagpagamot at umalis patungong Vancouver, Canada.

Napagbalingan pa nito ang mga opisyal ng Bureau of Immigration.

Paano raw ito nakalabas  ng bansa gayong nasa lookout bulletin ito ng DOJ.

Katuwiran naman ni Morente, naipaalam sa kaniya ang pag-alis nito ng bansa apat na oras matapos lumipad ang sinasakyang eroplano.

Hindi raw ito naharang dahil sa lookout bulletin, Wally Sombero ang kaniyang pangalan samantalang Wenceslao ang pangalan nito sa kaniyang pasaporte.

Sa ngayon, inirekomenda ng senado ang pagsibak sa immigration officer na nagbigay ng go-signal para makalabas ng bansa si Sombero.

Inatasan din ni Gordon ang DOJ na sumulat sa Department of Foreign Affairs para ipakansela ang pasaporte ni Sombero.

Eagle News Service

Related Post

This website uses cookies.