Impormasyon na front lang ang Kadamay ng mga komunista, paiimbestigahan sa Senado

(File photo). Ang mga pabahay sa Bulacan na nakalaan sana sa mga pulis at militar.

Ni Meanne Corvera

Eagle News Service

Paiimbestigahan sa Senado ang diumano’y impormasyon na front ng mga grupong komunista ang Kalipunan ng mga Damayang Mahihirap, na nang-agaw ng mga pabahay ng mga sundalo at pulis sa Pandi, Bulacan.

Naghain si Senador Antonio Trillanes IV ng Senate Resolution 345 para paimbestigahan ang natanggap umano niyang intelligence report kaugnay nito.

Nais ng senador na makabuo ng batas at matiyak na hindi maaring gamiting basehan ang paggamit ng dahas ng anumang grupo para makakuha
ng tulong o pabahay mula sa gobyerno.

Pinuna rin ni Trillanes ang ilan umanong mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman sa pagpapatakbo sa pabahay ng gobyerno na diumano’y konektado sa Communist Party of the Philippines.

Isa sa tinukoy ni Trillanes si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr.,
chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council na
miyembro umano ng CPP central committee na nakabase sa Bicol.

Ilan pa sa mga diumano’y konektado sa grupong komunista ay sina Marcelino P. Escalada Jr., general manager ng National Housing
Authority,  at James Mark Terry
Ridon, chair ng  Presidential Commission for the Urban Poor.

Si Ridon ay diumano’y naelect bilang miyembro ng 13th Central Committee
Plenum noong 2012 sa Quezon City.

“Based on the information received, some members of the Cabinet connected to the administration of government housing units are involved with the (communist group),” wika ng senador.

Ayon kay Trillanes, ito raw ang dahilan kaya malakas ang loob ng mga rebelde na okupahin ang pabahay na nakalaaan para sa mga pulis at sundalo.

Isa lang din aniya itong katunayan na nais talaga ng mga rebelde na magkaroon ng kanilang permanenteng base na malapit lamang sa Metro Manila.

“Aside from setting a bad and dangerous precedent, the decision to
allow the members of Kadamay to occupy an entire community has
national security implications since intelligence reports suggest that
Kadamay is a front organization of the communist groups,” aniya.

“If said reports are true, the wholesale takeover of several communities by
Kadamay may mean the creation of sanctuaries for communist groups in
Bulacan, which is strategically located near the National Capital Region,” dagdag pa niya.

 

Related Post

This website uses cookies.