(Eagle News) — Hindi naiwasan ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Fahima Alagasi na maging emosyonal kanina pagdating ng Pilipinas.
Si Alagasi ang Pilipina na pinagmalupitan ng kaniyang amo at binuhusan ng kumukulong tubig sa Saudi Arabia noong 2014.
Bagamat tumanggi nang idetalye ang mga hirap na pinagdaanan sa loob ng nakalipas na apat na taon, masaya raw siya na nakabalik na sya sa Pilipinas.
Ayon kay Ambassador Adnan Alonto, matagal na proseso ang pinagdaanan ng kaso ni Alagasi bago ito bigyan ng go signal ng Saudi government ang kaniyang repatriation.
Napabilis lang daw ang kaso nito dahil sa pakikialam mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte at pag-apila nito ng personal kay Saudi Arabian Prince Abdula-Ziz Bin Sa-Ud Bin Na-If nang bumisita ito sa Pilipinas noong Marso.
Bukas, Abril 14 makikipagkita si Alagasi kay Pangulong Duterte sa Davao para personal na makapagpasalamat.
Doon na rin daw ipagkakaloob ang iba pang tulong-pinansyal para sa kaniyang pamilya.
(Eagle News Service Meanne Corvera)
https://youtu.be/rGusgytJPUE