(Eagle News) — Tuloy at d mapipigil ang Centennial closing ceremonies ng Iglesia Ni Cristo na nagsimula Sabado, Hulyo 25 sa mahigit 10 venues sa Metro Manila, Bulacan at Rizal
Sinabi ng tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo na si Edwil Zabala na naka-focus pa rin ang Iglesia Ni Cristo sa mga programang inihanda bilang paggunita sa ika-101 taong anibersaryo ng INC sa darating na Hulyo 27.
Napatunayan na rin aniya kasing walang katotohanan ang alegasyon ng abduction o hostage-taking na mismong sinabi ni Angel Manalo sa panayam ng media.
Maging ang pulisya at lokal na pamahalaan, batay sa isinagawang assessment ay sinabing walang abduction incident sa mga ministro ng Iglesia Ni Cristo at hostage-taking sa pamilya Manalo.
Sa ngayon ay puspusan naman ang mga paghahanda sa mga nakalatag na programa para sa Centennial closing celebration.
Bukas isasagawa ang Unity Games International sa iba’t ibang sports facilities sa Metro Manila, Rizal at Bulacan, kabilang ang Ciudad de Victoria sa Bocaue.
Sa Linggo naman ay isasagawa ang special worship service sa Philippine Arena na pangungunahan nng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo