(Eagle News) — Napuno ng mga panauhin ang gusaling sambahan ng lokal ng New Era University sa isinagawang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos.
Pangunahin na nakipagkaisa sa nasabing aktibidad ang mga mag-aaral ng New Era University partikular ang nasa departamento ng College of Music at Center for Culture and the Arts.
Alas tres ng hapon (3:00 PM) nang magsimula ang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos. Pero maaga pa lamang ay nagsidatingan na ang mga mag-aaral ng NEU na nasa College of Music at Center for Culture and the Arts kasama ang kanilang mga ka-klase bilang guests sa nasabing aktibidad.
Sa dami ng panauhin umabot hanggang sa labas ng gusaling sambahan ang mga nakaupo.
Atentibo namang nakinig sa pag-aaral ng mga Salita ng Diyos ang mga panauhing dumalo.
Karamihan sa mga panauhin ay nagpasya nang magpadoktrina para maging miyembro ng Iglesia Ni Cristo.
Ang mga estudyanteng ito na kaanib ng INC ay kabilang sa mga nagdala ng panauhin.
Anila, patuloy silang makikipag-kaisa sa mga aktibidad na inilulunsad ng pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ang kapatid na Eduardo V. Manalo.
Pagkatapos ng pamamahayag ng mga salita ng diyos ay mayroon inihandang musical presentation ang nasa departmento ng College of Music at Center for Culture and the Arts
Sa nasabing musical presentation ay naipamalas ng mga estudyante ang kanilang talento sa larangan ng musika at sining.
Nagdulot naman ng kasiyahan sa mga panauhing dumalo ang inihandang musical presentation para sa kanila.
Kabilang sa mga nagperform ay ang tatlong estudyanteng ito na naging panauhin rin ng kanilang professor.
Bagamat hindi pa sila kaanib sa loob ng INC ay nabigyan sila ng pagkakataon na maipamalas ang angking talento sa pagtugtog ng gitara.
Eagle News Service