INC Life-PNK Edition, isinagawa sa lalawigan ng Marinduque

27a1b653-ed4c-421d-a9c5-f641ebb3d760

BOAC, Marinduque (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ng INC Life PNK Edition sa lalawingan ng Marinduque noong sabado, October 8, 2016 sa Marinduque National High School Covered Court.

Layunin ng nasabing aktibidad na maikintal sa puso at isipan ng mga kabataang Iglesia ni Cristo, lalo ang mga nasa kalagayang Pagsamba ng Kabataan (PNK), ang mga mahahalagang bagay at kaalaman ukol sa Iglesia.

Ang PNK ay isang kapisanang ng INC na ang mga kaanib ay may edad 4-11 taong gulang. Bakas sa mga mukha ng mga dumalo ang kasiyahan sa ginawang aktibadad.

Kinapalooban ng maraming “interactive” activities ang nasabing aktibidad. Ilan sa mga ito ay  ang panonood sa mga clips na kapupulutan ng values formations, interactive games ukol sa Iglesia, art activities, photo-booth, at marami pang iba.

Sa pangunguna ni Bro. Rowell A. De Lara, District Supervising Minister ng Marinduque, nagpapasalamat sila kay INC Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo dahil isa ang kanilang lalawigan ang napagsagawaan ng ganitong aktibidad.

Lennon Calura – EBC Correspondent, Boac, Marinduque