INC Life PNK edition, isinagawa sa Pangasinan East

ROSALES, Pangasinan (Eagle News) – Humigit kumulang sa 1,600 na kabataang Iglesia Ni Cristo mula sa Distrito ng Pangasinan East ang dumalo sa isinagawang INC Life PNK Edition. Isinagawa ito sa Robert B. Estrella Sr., Memorial Stadium sa Bayan ng Rosales, Pangasinan. Ang PNK ay kinabibilangan ng mga kaanib na may edad 4-11 na hindi pa nababautismuhan.

Sa kasabikan ng mga kabataan, maaga pa lamang ay nagsidatingan na sila na dakong pagdarausan ng aktibidad. Sa dami ng kaanib ay hinati sila sa apat na grupo. Tigdalawang oras din nilang nilahukan ang iba’t ibang games and activities ng programa.

Pinangunahan ni Bro. Nelson H. Manebog, District Supervising Minister ng Distrito ng Pangasinan East, ang ribbon cutting sa pagsisimula ng aktibidad.

Ayon kay Jovilyn Membrere, kaanib ng INC na mula sa Lokal ng San Vicente Asingan, isang napakagandang karanasan para sa kaniyang anak ang nasabing aktibidad sapagkat hindi lamang natuto at nasasanay ang kaniyang socialization skills, kundi napapatunayan din nilang pamilya ang pakikipagkaisa nila sa Pamamahala ng INC.

Courtesy: Raff Marquez at Jae Sabado – Rosales, Pangasinan Correspondent

 

Related Post

This website uses cookies.