INC nagsagawa ng blood donation activity sa Maguindanao

 

LIBUGAN, Maguindanao (Eagle News) — Isinasagawa ngayon (Biernes, Marso 2) ang isang blood donation activity ng Iglesia Ni Cristo sa Maguindanao sa Libungan municipal gym sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health.

Kabilang rin sa aktibidad na ito ang SCAN International at ang mga kapisanang pansambahayan sa INC. Ang nasabing blood letting activity at isinagawa bilang pagtulong sa kapwa na nangangailangan ng dugo, kaanib man o hindi ng INC.

Ang ganitong pagkilos ay alinsunod sa Republic Act 7719 o ang “National Blood Services Act of 1994”  upang magkaroon ng pondo o imbak ng dugo para s mga dagliang pangangailangan ng mga kinauukulang pasyente.

Ayon kay Mr. Evaristo Tolentino , blood donation team leader mula sa Cotabato Regional Medical Center (CMRC) blood bank center, ang aktibong partisipasyon ng INC ay napakahalaga upang mabilis na matugunan ang pangangailangan sa dugo gaya ng mga buntis na manganganak, ooperahan, o mga nagtamo ng malalaking sugat na kailangan ang operasyon.

Aktibo namang nakilahok ang mga miyembro ng INC na nanggaling sa mga dako ng Libungan, Midsayap, Pigcawayan , sa North Cotabato at Cotabato City.

Bago kunan ng dugo, at kailangan mulang kunin ang blood pressure, timbang ng blood donor. Pagkatapos nito ay dadaan rin sila sa screening ng isang doctor mula sa CMRC.

Ang blood donation activity ng INC ay sinusubaybayan nina Brother Edison Macabali na siyang district minister sa Maguindanao, kasama ang iba pang mga ministro ng INC sa Maguindanao.

Nagpahayag din ng pagpapasalamat ang medical team ng CRMC sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, kay kapatid na Eduardo V. Manalo, dahil sa ganitong mga aktibidad ng Iglesia na nakakatulong sa kapwa.

(Dennis Dimatingkal, Eagle News Service Maguindanao)