(Eagle News) — Sinampahan na ng kasong libelo ng Iglesia Ni Cristo ang isang itinawalag na ministro nito na si Isaias Samson Jr., dahil sa mga alegasyon nitong illegal detention and torture sa ilan nitong miyembro.
Sa anim na pahinang reklamo na inihain sa Quezon City Prosecutor’s Office, sinabi ni INC legal counsel head Glicerio Santos IV na ang ibinibintang ni Samson laban sa Iglesia Ni Cristo ay pambabastos at mapanirang puri.
Ayon kay Santos, ang mga pahayag ni Samson, na isang dating editor-in-chief ng Pasugo magazine ng INC, ay sumisira sa reputasyon ng INC.
Hiniling din ng INC legal department, na mag-isyu ng lookout bulletin laban kay Samson na umano’y nagbabalak na umalis ng bansa.