INC Outreach Concert isinagawa sa Subic Bay Freeport Zone

Subic, Zambales (Eagle News) — Mahigit sa 700 panauhin na mula sa Olongapo City at karatig bayan ng Zambales ang nakisaya sa isinagawang outreach concert ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo  Subic Bay Freeport Zone at tinawag nila itong “Edification through Voice & Music o EVM-CFO  Choirs Outreach Concert”.

Layunin ng ganitong aktibidad na hindi lamang makapagbigay ng saya sa mga kaanib at hindi pa kaanib ng INC kundi upang maipabatid ang Aral ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng mga awiting kristiyano.

Marami ang sumaksi at nakisaya sa nasabing konsiyerto habang nasa 100 performers naman ang nagpamalas ng kahusayan at madamdaming pag-awit.

Kabilang sa mga nag-perform ay ang Sanctuary Choir at INC Ambassadors of Faith.

Ayon kay Bro. Emil Santiago, District Supervising Minister ng Zambales South, napapanahon ang ganitong aktibidad na inilunsad  ng Executive Minister ng INC, ang kapatid na Eduardo V. Manalo, dahil ito aniya ay nagbibigay ng karagdagang katatagan sa pananampalataya ng mga miyembro ng Iglesia maging sa kanilang mga naging panauhin.

Labis na ipinagpapasalamat ng mga dumalo sa Pamamahala ng Iglesia ang ganitong programa na nag-iwan sa kanila ng labis na kagalakan, anila ay patuloy sila makikiisa sa mga ganitong aktibidad na inilulunsad sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

 

(Eagle News Correspondent Joy De Guzman)