INC Spokesperson Zabala: Huwag isisi sa INC ang Menorca arrest

Inihayag ng opisyal ng Iglesia Ni Cristo na harapin na lamang ng itiniwalag na si Lowell Menorca ang kasong kinakaharap niya. Sa halip na isisi sa INC ang dahilan ng kaniyang pagkaka-aresto.

Ito ang sinabi ni INC Spokesperson Bro. Edwil Zabala sa panayam ng Eagle News.

Aniya itiniwalag na si Menorca sa Iglesia Ni Cristo at kung may dapat siyang haraping kaso ay harapin niya ito, pati na ang inihaing arrest warrant dahil hindi naman ang organisasyon ang umaresto sa kaniya.

Kanina, nagkaroon ng standoff sa pagitan ng mga pulis at pamilya Menorca ng ihain ang arrest warrant laban sa kaniya sa kinakaharap nitong kasong libelo na isinampa ng SCAN International.

(Eagle News Service)

This website uses cookies.