(Eagle News) — Isasagawa na ngayong Hulyo 25, ng Iglesia Ni Cristo ang ang kauna-unahang international championships ng sarili nitong multi-sport federation na tinaguriang “Unity Games.”
Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng anibersaryong INC at sa pagsapit ng ika-101 taon nito sa Hulyo 27.
Nasa 2,000 manlalaro na kakatawan sa mga kaanib ng Iglesia mula sa 17 bansa sa buong mundo ang magpapaligsahan sa 12 uri ng laro.
Ito ay gaya ng basketball, volleyball, football, baseball, swimming, tennis, table tennis, badminton, bowling, chess, taekwondo, at track and field.
Bukod sa apat na koponan o teams sa Pilipinas. Kasali rin ang mga koponan mula sa USA, Canada, Europe, Australia, Japan, China, at iba pang mga bansa sa larong ito.
Mula Hulyo 25 at 26, gaganapin ang Unity Games International sa mahigit 10 lugar sa Metro Manila, Rizal at Bulacan—ang ilan sa mga sports events ay isasagawa sa Philippine Stadium at Philippine Arena sa Ciudad de Victoria sa Bulacan.
Inilunsad noong 2011, ang inc unity games ay ipinanukala ng Tagapamahalang Pangkalahatan na si kapatid na Eduaro V. Manalo…
Layon nitong payabungin ang pag-iibigan sa pagitan ng mga magkakapatid at lalong patibayin ang kanilang pagkakaisa” sa pamamagitan ng palarong pampalakasan.