DAVAO Oriental, Philippines — Nagsagawa ng Palarong Pandistrito ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Davao Oriental noong Biyernes, Hunyo 10, 2016. Dinaluhan ito ng daan – daang miyembro na mula pa sa iba’t-ibang mga lugar ng nasabing lalawigan.
Ayon kay Bro. Genito Uriarte, District Supervising Minister ng Davao Oriental, isinasagawa nila ang ganitong katibidad taun- taon upang lalong mapaglapit ang loob ng bawat kaanib sa isa’t isa at mapaigting pa ang pag-iibigang magkakapatid.
Naging matagumpay ang maghapong Unity Games at damang-dama sa mukha ng mga kapatid ang kasiyahan na nagbibigay inspirasyon sa kanila upang lalong magtalaga sa kanilang ginagawang paglilingkod sa Diyos.
(Eagle News, Daniel Gullos – Davao Oriental Correspondent)