By Jae Sabado
Eagle News Service
PANGASINAN, Philippines — Matagumpay na naisagawa ang INCamp at Leadership Enhancement and Development Training (lead) ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Pangasinan East na ginanap sa nagkuralan, Cuyapo, Nueva Ecija noong sabado.
Sa nabanggit na programa ay isinagawa rin ang grand eyeball ng mga miyembro ng Society Of Communicators and Networkers International o SCAN bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng kanilang ika-dalawampu’t pitong anibersaryo.
Napuno ng kasiyahan ang programa lalo pa at madaling araw pa lamang ay nagsidatingan na ang mga kaanib bitbit ang kanilang mga tents, panluto, at iba pang gamit pang-“camping”. Dito nagkaroon sila ng pagkakataong maranasan ang isang araw na malayo sa siyudad at teknolohiya. Nagsagawa sila ng mga palaro tulad ng obstacle course, tug of war, at iba pa na nakatulong na malinang ang leadership skills ng bawat kalahok.
Ayon kay Henry Pichay, Pangulo ng SCAN International sa distrito ng Pangasinan East, napakagandang aktibidad ito para sa mga miyembro ng SCAN, sapagkat dito nagkakaroon ng pagkakataong magkita ang mga miyembro. Layunin din nito ang bonding na lalong magpapatibay at magpapasigla sa kanila. Binati rin niya ang ilan pang mga miyembro ng SCAN sa buong mundo sa kanilang anibersaryo.
Samantala, sa pangunguna ng Tagapangasiwa ng Distrito na si Kapatid Na Nelson H. Manebog ay binati nila ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC, ang kapatid na Eduardo V. Manalo. Sinindihan rin ang mga inihandang bonfire pagsapit ng gabi bilang pagtatapos ng aktibidad.
Kaya naman, umuwi ang mga kalahok ng may ngiti baon ang bagong karanasan at kaalaman.