ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Nagsagawa ng aktibidad ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na tinawag nilang “INCares”. Ito ay pinangunahan ng mga opisyales ng Christian Family Organization na ginawa sa kanlurang bahagi ng Leyte. Isinagawa nila ito sa Barangay Garrido, Calubian, Leyte noong Sabado, Setyembre 24 kung saan ay namahagi sila ng mga laruan, damit at tsinelas para sa mga bata.
Ang Barangay Garrido ay isa sa mga barangay ng bayan ng Calubian, Leyte na napakahirap marating lalo na kapag tag-ulan dahil wala pang maayos na kalsada ang nasabing lugar. Para sa mga nabigyan ng mga nasabing gamit makikita sa kanilang mga mukha ang kagalakan at kasiyahan.
Nagpasalamat naman ang mga magulang sa natanggap ng kanilang mga anak na tsinelas, damit at laruan, anila nagkapagbigay ito ng kagalakan sa kanilang mga anak.
Courtesy: Alyza Mae Apsay