INCares isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. Bunacan, San Isidro, Leyte

SAN ISIDRO, Leyte (Eagle News) — Upang maidama ang pagmamalasakit at pagmamahal sa mga residente ng Brgy. Bunacan, San Isidro, Leyte ay sinikap ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na marating ito. Sa pangunguna ni Bro. Herbert Puedan, ministro ng ebanghelyo at ng mga opisyales ng Christian Family Organization (CFO) ng INC ay nagsagawa sila ng isang aktibidad na tinatawag nilang INCares.

Namahagi sila ng mga school supplies katulad ng mga sumusunod:

  • Papel
  • Notebook
  • Lapis
  • Ballpen
  • Maging ng tsinelas

Pagkatapos ng pamamahagi ng mga school supply ay pinakain nila ang mga bata. Labis naman ang katuwaan ng mga bata sa ipinagkaloob sa kanila. Nagpaabot ng pasasalamat ang mga magulang ng mga bata sa INC dahil damang-dama nila ang totoong malasakit para sa kanilang kapakanan. Batid nila na malayo at mapanganib ang maglakbay patungo sa kanilang lugar dahil sa walang maayos na daan at dalawang beses pang tatawid ng ilog sa pamamagitan ng sira-sirang footbridge ngunit hindi aniya ito inalintana ng mga miyembro ng INC.

Samantala, nananawagan ang mga residente ng barangay sa mga kinauukulan na matulungan sila na maipaayos ang kanilang daanan at maging ang mga tulay nito upang maayos nilang madala sa bayan ang kanilang mga produkto sa bukid.

Rommel Encenzo – EBC Correspondent, San Isidro, Leyte

 

Related Post

This website uses cookies.