Siniguro ni Incoming Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano na walang magsasakang maaalis sa kanilang sakahan dahil sa gagawin nitong reporma sa ahensya.
Si Mariano ay Chairman ng kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP.
Ayon kay Mariano, palalakasin niya ang Security of tenure ng mga magsasaka sa kanilang lupang sinasaka.
I-re-review din aniya nito ang mga ipinatupad na desisyon ng ahensya na tutol sa kapakanan ng mga magsasaka.
Nangako rin si Mariano na agad niyang pag-aaralan ang land reform na ipinatupad ng DAR sa Hacienda Luisita.
Kabilang aniya ang nakabinbing petisyon ng mga magsasaka para kanselahin ang land-use conversion na inilabas ng DAR na pumapabor sa mga Conjuangco ng Hacienda Luisita. (Eagle News)