Indigenous People Celeberation matagumpay na naisagawa

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Matagumpay na ipinagdiwang ng mga kababayan nating katutubo (Indigenous People o IP) ang kanilang selebrasyon kamakailan. Isinagawa ito sa Bislig City Cultural and Sports Center sa Bislig City, Surigao del Sur.

Pinasalamatan ni City Councilor Rodulfo Villegas Sr., IP Rpresentative sa Sangguniang Panglunsod at Committee Chair for Indigenous People ang City Government sa malaking suportang ibinigay sa kanila. Ayon sa konsehal, lalo pa aniya nilang paunlarin ang kanilang tradisyon.

Sa nasabing selebrasyon ay nagsagawa sila ng singing at cultural dance contest. Bago matapos ang selebrasyon ay pinagkalooban ng Certificate of Recognition ang mga tribal leader ng bawat Barangay sa pangunguna ni City Mayor Librado Navarro.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City Surigao del Sur

 

Related Post

This website uses cookies.