Indigenous People nakiisa sa pagboto sa Lasam, Cagayan

photo_2016-05-09_15-37-54

Nakiisa ang mga katutubong Agta at iba pang grupo ng indigenous people sa pagboto sa Sicalao, Lasam, Cagayan bagama’t karamihan sa kanila ay hirap bumasa at hindi gaanong naiintindihan ang paggamit ng VCM o Vote Counting Machine.

Pinilit makibahagi ang mga ito sa halalan sa tulong ng kanilang mga kamag-anak na nakapag-aral o di kaya ay may kakayanang bumasa at sumulat.

Ayon kay SPO3 Jonie Domingo, naka-assign na pulis sa nasabing lugar, marami ng Agta ang bumababa at bumoboto dahil marami na rin sa kanila ang nakapag-aral na at nakikilala nila ang kahalagahan ng kanilang karapatan sa pagpili ng kanilang iboboto.

Agad naman silang inasikaso ng mga BEI at inalalayan ang mga ito sa tamang paggamit ng VCM.

(Eagle News Service Mei Ann Agatep, Vina Victoria Abadilla)