CIUDAD DE VICTORIA, Bulacan (Eagle News) — Kasing ganda ng panahon ang atmosphere dito sa Ciudad De Victoria kaugnay sa pagsalubong sa taong 2018.
Ito’y dahil patuloy pa rin ang dagsa ng mga kababayan natin na dito piniling salubungin ang bagong taon kasama ang buong pamilya at ilan pang mga mahal sa buhay.
Kani-kanina pinasyalan ng news team ang ilang indoor activities sa Ciudad De Victoria.
Mula kaninang umaga, patok sa buong pamilya ang indoor activities na talagang dinayo ng mga namamasyal.
Sa tagiliran bahagi ng Philippine Arena, makikita ang inflatable slides, kung saan marami sa mga bata ang nag-enjoy sa kanilang paglalaro habang nakatunghay ang mga guide at maging ang kanilang mga magulang.
Maliban rito may arcade basketball rin para naman sa may hilig sa paglalaro ng nasabing sports.
Kung gusto mo namang mamili, may bazaar din dito kung samu’t saring mga clothing at sports apparel ang mabibili.
Karamihan sa mga itinitinda ang 20 to 50 percent off kung kayat mas abot kaya na ang mga ito.
Ang mga sapatos 20 percent off rin, maging ang mga pabango ay mabibili na rin sa murang halaga.
Naglalaro sa 250 hanggang 650 pesos depende sa klase ang mga polo.
Habang 250 hanggang 400 pesos ang presyo ng bawat t-shirt depende rin sa klase.
May mga maleta at bag rin na mabibili sa murang halaga.
Marami sa mga namamasyal ang pinili na rin na mamili sa bazaar rito kaysa sa magsumiksik sa mga pamilihan sa divisoria na taon taon ay dinaragsa rin ng mga mamimili. #PhilippineArena2018
(Eagle News Service Jerold Tagbo)