Inirerekomendang criminal charges ng minority bloc sa Kamara, minaliit ni De Lima

MANILa, Philippines (Eagle News) — Binalewala lang ni Senadora Leila De Lima ang mga kasong inirekomenda ng minority bloc sa Kamara kaugnay ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Ayon kay De Lima, may sariling agenda ang minority bloc na pinamumunuan ni Quezon Representative Danilo Suarez na ilan sa mga miyembro nito ay idiniin siya sa imbestigasyon ng House Committee on Justice ukol sa kalakalan ng iligal na droga sa NBP noong panahong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Tinawag pang ‘fake’ ni De Lima ang minority bloc na aniya ay mabilis maniwala sa kasinungalingan ng mga drug convict na tumestigo laban sa kaniya sa isinagawang imbestigasyon ng Kamara.

Related Post

This website uses cookies.