Inmates pinayagang bumoto sa Tayug, Pangasinan

 

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) — Pinayagan ng Commission on Elections (COMELEC) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga inmates ng Tayug district jail dito sa Pangasinan  na makaboto sa darating na halalan sa Mayo 9, 2016.

Ayon kay Rodel Caspino, warden ng BJMP Tayug, ang 42 inmates ng naturang district jail ay pinayagang makaboto base sa COMELEC Resolution.  Ngunit mula sa presidente hanggang sa Party List lamang ang maaaring iboto ng mga inmates.

By batch ang magiging kaayusan ng kanilang pagboto at bawat isa ay magkakaroon ng escort.

Dumaan rin sa Voters Education ang mga inmates na pinangunahan ni Jinky Tabag, COMELEC Officer ng bayan kasama si Atty. Harild Kub-Aron, Regional Human Rights Director.

(Eagle News Service Juvy Barraca)

 

 

This website uses cookies.