Intensified Tokhang isinagawa ng Cateel PNP

CATEEL, Davao Oriental (Eagle News) – Walang pinalalampas ang mga kapulisan ng Cateel Police Station sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga. Bawat Barangay, Paaralan, maging mga Pampublikong lugar sa Cateel, Davao Oriental ay matiyagang sinusuyod ng mga awtoridad upang maipaalam sa publiko (bata o matanda) ang kanilang seryosong kampanya laban sa iligal na droga.

Nasa mahigit 400 na Grade 9 students ng Cateel Vocational High School ang kanilang na-seminar tungkol sa ipinagbabawal na gamot. Binigyang diin nila ang mga preventive measure at after effect ng droga sa isip at katawan ng isang taong gumagamit nito. Maging ang relasyon sa kailang mga mahal sa buhay.

Ang seryosong pakikipaglaban ng awtoridad ukol sa iligal na droga ay pananagutan din ng bawat mamamayan upang masugpo ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot. Kaya’t patuloy nilang hinihingi ang tulong, kooperasyon at suporta ng mga residente ng Cateel sa anumang kampanya ng mga awtoridad laban sa droga.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Cateel, Davao Oriental

 

Related Post

This website uses cookies.