Int’l webinar ukol sa paggunita sa ika-160 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal, isasagawa ng NEU

Courtesy New Era University

 

(Eagle News) – Magsasagawa ng isang international webinar ang New Era University kaunay sa paggunita sa ika-160 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal na may premiere ngayon Hunyo 21 hanggang sa Hunyo 22, 2021.

Ang nasabing webinar ay isasagawa sa pamamagitan ng YouTube streaming (Hudyat YouTube channel). Ito ay mananatiling uploaded hanggang Hunyo 25, 2021. Ito rin ay accredited ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Kasama sa mga inimbitahang tagapagsalita ay mga historian, sociologist, akademiko, at iba pang mga dalubhasa ukol sa kasaysayan

Ito rin ay may katumbas na 5 CDP (Continuing Professional Development) points para sa mga professional teachers.

Para sa unang araw ng webinar series, sa Hunyo 21, 2021, narito ang mga paksang tatalakayin:

Rizal Laban sa Fake News: Ang pagtutuwid ni Rizal sa mga kaisipang pinalalaganap ng mga Kastila
Tagapagsalita: Vicente Villan, Faculty, UP Diliman
Reaktor: Kristoffer Esquejo, Faculty, UP Diliman

Pagbabalik Tanaw sa Rizal Law: Ang pagsasa-kasaysayan ng Batas Rizal (R.A. 1425) ng 1956 sa anino nina Jose P. Laurel at Claro M. Recto
Tagapagsalita: Van Ybiernas, Historian
Reaktor: Daniel Anciano, former Faculty, Cavite State University

Si Jose Rizal sa Mata ng Dunia Melayu: Ilang mga tala tungkol sa mga kontemporaryong pagtingin tungkol kay Rizal mula sa Indonesia
Tagapagsalita: Ferdinand Philip Victoria, Faculty, Mentari Intercultural School, Jakarta
Reaktor: Princess Fame Pascua, Faculty, New Era University

Courtesy New Era University

Sa ikalawang araw, Hunyo 22, narito naman ang mga paksa:
Mga Lansangan at Monumento: Ang paggunita kay Rizal sa pampublikong espasyo
Tagapagsalita: Joseph A. Lopez, Faculty, Far Eastern University
Reaktor: Herald Ian C. Guiwa

Ang Lipunan sa Mata ng isang Manggagamot: ang Sosyolohiya ni Rizal
Mga Tagapagsalita: Zaldy D. Petorio, faculty, New Era University
Liliberth B. Cruz, faculty, New Era University
Reaktor: Ricky Rosales, faculty, Centro Escolar University

Bagani: Si Rizal sa Makabagong Panahon
Tagapagsalita: Michael Charleston “Xiao” Chua, Faculty, De La Salle University
Reaktor: Joel Amilhasan Paguirigan Jr., Ph.D. candidate, UP Diliman

Courtesy New Era University

Para makasama sa nasabing webinar, narito ang dapat gawin:
a. Kung kayo ay taga-NEU:
https://forms.gle/3aKqK6KXbYRKqYxC8

b. Kung kayo ay mula sa ibang paaralan o institusyon:
https://forms.gle/TV3QcsKVy7a4k8ew9

Para po sa iba pa pong impormasyon katulad ng gugol at pagkakaroon ng link ay mangyaring bisitahin ang Official FB Page ng Hudyat, ang opisyal na student publication ng NEU:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=555126929227717&id=115821299824951&sfnsn=mo

 

(Eagle News Service)