Ipo-ipo, namataan sa Davao City

 

DAVAO CITY (Eagle News) – Tinamaan ng ipo-ipo ang coastal areas ng Brgy. Lapu-lapu at Brgy. Centro Agdao, sa Davao City pasado 8:00 ng gabi nitong Lunes, Hulyo 23.

Nabigla at natakot ang ilang Davawenyo na naka saksi sa ipo-ipo o “whirlwind.”

Dahil sa insidente, agad nagsagawa ng preemptive evacuation ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga naapektuhang lugar.

Matapos nito, napag-alaman na dalawang katao ang nasaktan ngunit hindi naman naging malubha ang kanilang kalagayan.

Dahil dito, may ilang malalaking puno ang nabuwal, may ilang bahay na gawa sa light materials ang nasira habang nawasak naman ang ilang motorized bangka sa lugar.

Base sa report, pasado 10:00 kagabi ay pinabalik naman agad ang mga residente ng coastal villages na naapektuhan ng nasabing ipo-ipo kagabi. Haydee Jipolan