IRR para sa libreng tuition sa mga SUC sinisimulan na ang pag-amiyenda

(Eagle News) – Sinimulan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang proseso sa pag-amiyenda sa isang probisyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) kaugnay ng free tuition fee policy para sa mga mag-aaral ng State Colleges and Universities para sa kasalukuyang school year.

Ayon kay CHED Commissioner Prospero de Vera, layon nitong matiyak na tanging ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral lamang ang masasaklaw ng nasabing programa.

Paliwanag ni De Vera, nakabatay sa household income ng isang pamilya kung masasaklaw ba o hindi ng nasabing programa ang isang mag-aaral.

Bagamat mananatiling prayoridad ang mga mag-aaral na nasa ilalim ng Student Financial Assistance Program, sinabi ni De Vera na tutukuyin naman sa kanilang simplified bracketing ang iba pang posibleng benepisyaryo ng programa.

Related Post

This website uses cookies.